Una, marami ang naniniwalang insurance ay para lang sa may kaya. Maling akala ito dahil may mga abot-kayang insurance plans na swak sa budget ng ordinaryong Pinoy. Sa halagang maliit kada buwan, may peace of mind ka na kung sakaling may emergency. Ang mahalaga ay piliin ang plan na tugma sa lifestyle mo. hindi kailangang mahal para maging kapaki-pakinabang.
Pangalawa, marami rin ang kumukuha ng insurance kapag huli na ang lahat. Madalas kapag may sakit na o may edad na. Tandaan, habang mas bata at healthy ka, mas mura ang premium at mas madali ang approval. Kaya kung may pagkakataon ngayon, huwag mo nang ipagpabukas pa.
Isa rin sa mga madalas na pagkakamali ay hindi pag-intindi sa policy coverage. Maraming nag-a-assume na “covered lahat,” pero hindi nila binabasa ang terms. Importante na basahin at intindihin ang bawat detalye ng policy, lalo na kung may mga exclusions. Mas mabuti nang magtanong ngayon kaysa mabigla pagdating ng panahon.
May mga tao rin na agad kinakansela ang policy dahil feeling nila walang nakukuhang benepisyo. Pero ang insurance ay hindi tulad ng investment na may mabilis na balik. It’s long-term protection. Mas matagal mong pinapanatili, mas panatag ang kinabukasan mo.
Isa pa, huwag umasa lang sa insurance na binibigay ng kumpanya. Kapag nagbago ka ng trabaho o nawala ang employment mo, mawawala rin ang coverage. Kaya mahalagang magkaroon ng personal insurance na mananatili kahit saan ka magpunta.
Marami rin ang nakakalimot mag-update ng kanilang insurance details. Halimbawa, nag-asawa ka o nagka-anak pero hindi mo binago ang beneficiary. Maliit na bagay man ito, pwedeng magdulot ng problema pagdating ng claim. Kaya ugaliing i-check at i-update ang policy mo kahit isang beses kada taon.
At panghuli, huwag isipin na ang insurance ay dagdag gastos. Sa katunayan, ito ay isang uri ng investment para sa kapayapaan ng isip at kaligtasan ng pamilya. Kapag dumating ang oras ng emergency, malaking ginhawa na alam mong may aasahan ka.
Hindi mo kailangang maging expert para maging insured. Ang kailangan mo lang ay maging responsable at maalam sa pagpili.
At alam mo ba? Sa tulong ng M Lhuillier Insurance, maaari kang magkaroon ng abot-kayang proteksyon na nagbibigay ng seguridad sa ‘yo at sa pamilya mo, kahit anong mangyari.
Sa M Lhuillier, may iba't ibang Personal Accident Insurance plans na swak sa budget at pangangailangan ng bawat Pilipino. Pwedeng magsimula sa abot-kayang halaga — mula ₱5 hanggang ₱99 lang — para sa proteksyon laban sa aksidente, dismemberment, o pagkamatay dahil sa aksidente.
✅ Pawners Protect (₱10) – 4-month coverage para sa accidental death, disablement o dismemberment (₱30,000). ✅ Kwarta Padala Protect (₱5) – 1-month coverage, perfect para sa mga regular sender o receiver ng remittance. ✅ Family Protect (₱30) – 1-year coverage na may burial assistance na ₱10,000. ✅ Pinoy Protect Plus (₱50) – may additional cash assistance na ₱10,000 at educational assistance na ₱5,000. ✅ Family Protect Plus (₱99) – para sa limang miyembro ng pamilya, may fire assistance pa na ₱5,000.
Sa simpleng halaga, may peace of mind ka na para sa buong taon! Kaya bago mo isipin na “hindi ko pa kailangan ng insurance,” tandaan: mas mabuting handa ngayon kaysa magsisi bukas.
Sa M Lhuillier Insurance, protektado ka, panatag ang loob.
Avail ML Insurance products today! Visit https://mlhuillier.com/insurance get started.
M Lhuillier, the Philippines’ largest and most respected non-bank financial institution, continues to uphold its promise of being the Tulay ng PaMLyang Pilipino, with more than 3,000 branches nationwide. It continuously provides fast, easy, and reliable financial services such as Kwarta Padala, Quick Cash Loan, Car Loans, Home Loan, Bills Payment, Insurance Plan, Money Exchange, Jewelry, MCash Wallet, ML Express, ML Moves, and Telco & Online TV Loading.
Follow M Lhuillier Financial Services, Inc. on Facebook, or visit mlhuillier.com for more information.
For inquiries, contact Customer Care at: 📱 +63-947-999-0337 | +63-947-999-2721 | +63-917-871-2973 | +63-947-999-0522 | +63-947-999-2472 📧 customercare@mlhuillier.com